 |
|
Tuesday, April 04, 2006
elinia's right.. t's nice to talk again with friends you've missed.. truly missed.. and in friendship, there's nothin better than knowing you have friends who will always be there for you no matter the distance.. and it feels great knowing you can grow separately without growing apart...
i miss these beautiful beautiful people... people who have become so dear to me... true enough, friendship is not about whom you have known the longest.. it's about who came.. and never left..
  
  

-- jacq
Posted at 22:08 by pms_blog
Permalink
RE-united and it feels so good
Just when you think things won't be the same anymore... But still, you are left with the choice and the power to change things and set them back to where they truly belong...
Ang drama, anyway, just check out this pics :)


I cross my fingers that things would be the same again... :p
Tuesday, December 27, 2005
it's amazing how fast time flies... amazing too how a single change can make one feel so many emotions all at once.. when one has gotten used to a certain routine for a long period of time it gets kinda scary to think of the word "change".. it seems like the road far down is so uncertain.. maybe it's human nature.. maybe not.. either way, the change that's just about to take place in my routine is a welcome change.. the road maybe uncertain and the lights may not be so radiant.. but still, its a refreshing change... i'm scared and excited and relieved and sad... things change.. people change... circumstances change... and it's inevitable.. sighs.. the dynamics of life..
Posted at 20:47 by pms_blog
Permalink
Wednesday, December 21, 2005
Last day. Naaalala niyo pa ba? Eh ngayon?
Tuesday, December 20, 2005
Ang drama ng P.M... Now we are two worlds apart, can't reach to your heart When you say, that I want it that way Tell me why? Ain't nothing but a heartache Tell me why? Ain't nothing but a mistake Tell me why? I never wanna hear you say I want it that way See the difference? | Ali | Ida | | Jacq | Cristy | | Ann | Elinia |
Wednesday, December 14, 2005
Hehehe, bakit walang bumati sa'yo sa Head Comm? And I know, I know, wala ito compared sa birthday greeting sa Head Community, pero hopefully, before ka maging, alam mo na *HcoughT*, this will suffice. O 'yan ha, roses by Renoir. Happy Happy Birthday Elinia!! XD Nasaan ang pizza namin?
Posted at 20:48 by mmmqx
Permalink
Monday, December 05, 2005

Girls on TV, oops I fogot, pretty girls on TV :) (Elinia-witch, Ida-rubberduckie, Cristy-buttercup, Ali-blossom, jacqamanyo, marge-kulet and kathy-bubbles)

the pin-up girls (PM make-over sessions)

Peace out! ( with Ann-ampon na ngayon kampon na namin)

Pantry-time! with Sheila

Yellow Cab: one of PM"s tambayan
Tuesday, October 18, 2005
Ang tagal na'ng walang update dito. Ewan ko, araw-araw naman tayo nagkikita pero parang ang tagal na rin nating huling nag-usap-usap.
Sabi ko nga, madali gumawa ng blog, pero mahirap mag-maintain. Gaya na rin ng lahat ng bagay sa buhay siguro. Madaling simulan, pero mahirap tagalan.
Wala lang. (Ayan nanaman ako) Ayoko lang na mangyari 'yun. Kahit man lang sa blog sana matagalan natin. Nakakamiss na ang daily/nightly rounds nating mga dating bloggers kung saan lahat ng taong may blog sa'tin 'eh binabati natin ng happy weekend atbp. (San na nga pala'ng blog mo Cristy?)
'Yon, nagpapaka-senti lang naman ako. Nakakamiss kasi. Magpaka-senti at magpaka-baliw at magpaka-lahat. :P Sabagay, maski naman ako hindi na masyado nagta-tag.
Walang sense 'yung entry alam ko. Pero nakakamiss din magpaka-walang sense. Ahehe. Sabi ko nga lahat, diba? ;)
Posted at 03:07 by mmmqx
Permalink
Friday, October 07, 2005
Siguro ganito na lang talaga ako. Tinatawag lang kapag may kailangan. Naaalala lang kapag may problema sila. Ako naman si tanga, laging nandito para sa ibang tao. Pero madalas, kapag sila na ang kailangan ko, ni isa sa kanila, wala akong malapitan¡¦kahit ang pamilya ko, hindi ko maasahan.iniisip ng iba matatag ako.kasi parang kayang-kaya ko ang lahat ng problemang dumarating, pero hindi ba nila naiisip na mas mahirap ang kalagayan ko? Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong nararamdaman ko kasi masisira ang paniniwala nilang ¡°si tinai ay isang matapang na babae¡±. Pero tama sila, babae ako, tao ako. Kailangan ko rin ng isang masasandalan kasi hindi sa lahat ng oras ako ang magbibigay ng tulong para sa ibang tao. Sana maintindihan ng pamilya at mga kaibigan ko na hindi ako laging malakas para sa kanila. Marunong din akong manghina pero wala akong makapitan. Tao rin ako na nasasaktan at nahihirapan sa buhay. Sana ay maintindihan nila na minsan eh sana may malapitan ako kapag ako naman ang nangailangan. Sana ay may matatakbuhan ako at sana maalala ako hindi dahil sa kailangan nila ako kungdi dahil sa kaibigan nila ako o kaya pamilya nila ako. Kasi sa totoo lang, ang sakit-sakit ng nararamdaman ko na nag-iisa lang ako kapag may problema ako. Ang sakit-sakit kapag humihingi ka ng tulong pero ni isa sa mga natulungan mo ay walang tumutulong sayo. Hindi ko tuloy alam kung mabait ako o tanga ako. Sana maalala ako hindi dahil sa mga nagawa ko sa kanila kungdi dahil sa mahal nila ako. Sana mahalin ako nang dahil sa ako. Yun bang walang kapalit.Pero habang panahon na ata akong ganito. Kelan kaya ito matatapos? Sana matapos ba ang paghihirap ng kalooban ko. Sana matapos na ang sakit na nararamdaman ko. Sana ay maging okay na ang lahat. Sana pagdating ng panahon ay may matira pa para sa sarili ko. Yun bang hindi ko na naibigay sa pamilya o sa kaibigan ko. Sa totoo lang, takot na akong humarap sa buhay. Kasi naranasan ko na ang buhay nang nag-iisa. Kahit na alam mo may kasama ka physically, At alam mo, mas masakit isipin yon. Kasi alam mo na may kasama ka pero deep inside mag-isa ka pa rin. Sawang-sawa na ako sa buhay na ganito. Yun bang ikaw na lang ang palaging nagbibigay tapos parang walang nakaaalala sa iyo. Yun bang tatawagin ka lang kasi may pakinabang ka sa buhay nila. Sawang-sawa na ako na ako na lang lagi ang sinasandalan. Marunong din akong mapagod at marunong din akong manghina. Sana lang dumating ang panahon na may dumamay din sa akin. Sana sa oras na kailangan ko ng kaibigan ay may matatawag ako. Sana kapag kailangan ko ang pamilya ko, nandyan sila na tutulong sa akin na hindi nagdadalawang-isip. Sana nga talaga dumating ang araw na iyon. Pero sa ngayon, ganito ang buhay ko, maghihintay kung kalian mapapansin, kalian aambunan..kahit konting tunay na pagmamahal lamang. Yun bang hindi ko kailangan ilimos., sana maibigay ito sa akin ng buong puso ng pamilya at mga kaibigan ko. Sana nga, dumating ang oras na hindi na ako malulungkot.Sana lang...
**CRISTY**
Posted at 17:40 by pms_blog
Permalink
Friday, September 23, 2005
up, up and away!!! (si superwoman)
6 days nalang po, mga kapatid, at ngayon lang ako nakapunta ulit dito. haayy! hirap maging superwoman, nauubos talaga ang powers ko. :)
but, on the more serious side, i want all of you guys to know that i'm going to miss you. i wish i could stay longer, but i'm afraid that i'd die before i turn 23 if i continue serving two masters simultaneously. basta, dadalawin ko kayo. sana lang, hindi maghigpit sa security ang doors ng Ildaeil pag dumalaw ako. ^_^
take care, guys. thanks for the memories and for the friendship...
love yah!
Posted at 00:06 by pms_blog
Permalink
|
|
|
|
 |
|
|
we girls talk and talk and talk.. and talk some more.. :P
|
|
|
 |